Akala ko noon ang pag-aabroad ay madali lamang...
Mali pala ako.
Homesickness ang isa sa pinakamatindi kong kalaban.
Maglilimang taon na ako sa abroad. Ni minsan di pa umuwi upang mabakasyon. Kumusta na kaya sila doon? Gusto ko silang mayakap at mahagkan kahit saglit man lamang.
Winter. . . Winter, anlupit mo !!! Hindi ako ginawa para sumabay sa iyo. Iba ang mundong kinalakhan ko. Maalinsangan. Walang snow. Walang makakapal na suot. Tingnan mo ang nangyari sa aking mga kamay sa tuwing dumarating ka. Nagbibitak-bitak ang aking mga daliri. Namamaga, namamanhid. . . maawa ka naman!!! Pero di ko ito sinasabi sa aking mga mahal sa buhay. Ang alam nila ay masarap ang buhay ko dahil nasa malamig na lugar ako. Pero okay na rin dahil ito naman ang hinangad ko noon eh - - ang makapangibang bansa.
Oo, kaya ko na ang magtiis at patuloy na magtitiis hanggang sa dumating ang panahong ako ay papalarin na muli ko silang makapiling.
Tutal ay may euro naman eh. . Ayan kasi, akala ko. . akala ko noon. Nasa bed of roses ka kapag nasa abroad. Sikat at popular sa mga kababayan. . . akala ko noon. . . .
*****
Kung naghahanap ka ng extra income na pwede mo gawin kahit may trabaho ka part-time, just comment below "im interested" at pwede po natin pag-usapan ang negosyong nakatulong na sa more than 1,000 OFWs worldwide! <<CLICK HERE TO WATCH>>
Kung naghahanap ka ng extra income na pwede mo gawin kahit may trabaho ka part-time, just comment below "im interested" at pwede po natin pag-usapan ang negosyong nakatulong na sa more than 1,000 OFWs worldwide! <<CLICK HERE TO WATCH>>
NGAYON! i-add at message mo ako sa fb account ko para iexplain ko sayo kung pano gawin ang Negosyo na ito.<<www.salvadornogra.com>>